My Spoken Poetry "Sana" - Tagalog
Kung gusto kitang makausap sa mundong bingi at walang galak,
sana - sana kausapin mo naman ang mga hinuha at mabubuti
kong balak; kung gusto kitang makasabay sa mga hindi
inaasahang ngiti, sa mga hindi mapigilang tawa at halikhik;
sana - sana sabayan mo naman ang aking mga teorya
na hindi ko na pala inaakala, namamalayan: na ako na -
mismo yong tumutula para lamang mapatawa at mapawi
ang puso mong nag - iisa
"Haha" - nakakatawa pumasok sa isipan ang mga ideaya/topiko
na hindi ginigiit para ba? para sa akin? o sayong mga
hinihiling na hindi inaasahang pag-giling ng mga nakaraan,
"para" - para ulit ang "para" sa sitwasyon ng isang
idolohiya nang pangtransportasyon ba ? - isang busina! "para!"
na ibig sabihin ay tama na pala, uy! maawa ka tigil na,
please lang sobra na, lumalampas kana, doon lang ako sa piling
niya pero masakit na, sobra na ba? Akala - inaakala ko
satin tong dalawa ngunit ngayo'y ikaw pala'y nananatiling
nangungulila sa kanya, sa isang "siya" - siya na winasak ka,
dinurog ka, pinaiyak ka, pinamukha na isa kang "wala", na
isa kang tanga, na isa kang "para" pagpalitan ng "K" -
para, hindi ka"kara"patdapat na mahalin o aking sinta,
sa mundo nang isang libo, hindi! isang milyon pala o
higit pa sa isang bilyong mga "sana" bagkus
andito ako naghihintay na sana - na sa mula sa
dalawa tayo'y maging isa, na sana tayo nalang
dalawa, dahil mahal na mahal kita at mamahalin
pa nang sobra - sobra. Ohh!"para" sa sangkatutak
na mga "sana", sana - magkatotoo na, ay panaghinip
lang pala
-poets_of_forgotten
Comments
Post a Comment