Sana makasama kitang manood ng mga tala


Para sa babaeng, sinasayaw ko sa aking mga isipan.
Kinakantahan ng mga magagandang nota habang nagpipikit - pikitan.
Para sa babaeng, gusto kong makasama manood ng mga tala, pagbigkas ng mga tula.
Ika'y aking hahagkan, pupunasan ang mga luhang nakaraan.
Hindi ko akalain ikaw ay aking mahal.
Ika'y malayo, tayo'y malabo, sobrang malabo - naglaho.
Hindi kita kilala, hindi nakita pero napapansin ang iyong mga diwa.
Oh, aking paghihinagpis sana'y mapuna.
Para sa babaeng kumikislap ang mga bituin sa kanyang mga mata ngunit iba'y nakikita.
Sana'y mabigyan mo ako ng pansin, minamahal kita.

Comments

Popular Posts